2024:Mga Scholarship
Mga scholarship ng Wikimania 2024
Lahat ng mga applicants ay binigyang-alam tungkol sa kinalabasan ng kanilang submission. Mangyaring tignan ang iyong e-mail at Spam folder.
Mga uri ng scholarship
Ang scholarship ay isang pabuya mula sa Wikipedia Foundation upang ang ang isang kinauukulan ay makadadalo sa Wikimania 2024. Ito ay nakakamtan sa pamamagitan ng Wikimedia Foundation na nagbibigay ng mga pondo.
- Ang mga Full scholarships ay magbibigay ng panghimpapawid, pamasahe, tirahan, limited medical insurance, kakainin, at registration fees.
- Ang mga Partial scholarships ay magbibigay ng tirahan, kakainin, at registration fees.
Lahat ng mga scholars ay mabibigyan ng kakainin sa mga oras ng tanghalian at hapunan sa pre-conference, sa mga araw ng pagpupulong, at pangkatapusang salo-salo. Samantala, ang agahan ay magiging sakop ng hotel.
Walang online scholarships ang maibibigay sa mga online na kalahok. Walang nakalaan na mga scholarship ang maibibigay sa mga m:Special:MyLanguage/Wikimedia movement affiliates mga kaakibat (affiliates) na nais magpulong sa buong mundo ng mga kaganapan kaugnay sa Wikimania. (Ito ay pinauubaya sa General Support Grant. Tingnan din ang bahagi ukol sa Related affiliate events funding section.)
Who can apply
|
---|
Sino ang mga maaaring lumagda?Tulad ng dati, ang sinuman na makapagpapatunay ng kanyang mga naambag o ginagawa sa Wikimedia ay inaanyayahan. Ang mga halimbawa ay ang mga sumusunod:
Gayunpaman, ito ay mga halimbawa lamang. Pumunta sa kinauukulang Detailed advice, basahin ang ipinapayo sa talahanayan, at isipin kung paano sasagutin ang mga tanong sa iyong pamamaraan. [NEW] mga kawani at kontratista ng mga Kaakibat (Affiliate), at mga hinirang ng mga hubs at regional conference teams
Kung kayo ay may mga katanungan, pumunta sa bahaging "Who can apply" sa FAQ. Kung kayo ay may karagdagang mga tanong, pumunta sa Contact / Help / I have questions not answered on this page. |
Advice for filling out the application form
| ||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Mga payo sa pagpupuno ng application form
Mga pagtawag: Tignan ang Open calls "A road to Wikimania 2024"The Core Organizing Team ay magbubukas ng mga pagtawag sa lahat ng mga may kagustuhan sa Wikimania. Ang mga pulong na ito ay gaganapin sa iba't-bang mga oras ng mga araw upang matugunan ang mga iba't-ibang mga time zone:
Ibabahagi namin ang mga pangkalahatang update tungkol sa Wikimania 2024, mga tulong sa scholarships, at mga kasagutan sa iba pang mga tanong. Halikayo at tanungin kami tungkol sa programming, scholarship, logistics, at kung paano makilahok sa Wikimania.
Mga masusing payo
Mga pamantayan para sa kaagad na pagtanggiAng mga application ay mabibigo sa unang bahagi kung alinman sa mga sumusunod na pamantayan ng paglagpak ay mapapataw:
Ang Core Organizing Team ay nakikiisa sa Wikimedia Foundation at, sa ilang mga kaso, sa mga Wikimedia hub o mga kaakibat (affiliate) ng Wikimedia upang matukoy ang huling listahan ng mga scholar. Kami ay nagmamarapat na tanggalin ang ilang mga tao dahil sa kanilang pag-uugali sa on/off-wiki. Ang mga halimbawa ay ang mga nasa mga global at event ban list, sa ilalim ng mga sanction mula sa Universal Code of Conduct (UCoC), o kung saan pa rin kilala ng COT ang mga lumalabag ng mga patakaran. Ang mga application na walang criteria ng pagkabigo ay idadaan sa ika-2 yugto para sa karagdagang pagsusuri. |
FAQ
Kailan at saan gaganapin ang Wikimania 2024?
Ang Wikimania 2024 ay dadaluhin sa 7–10 ng Agosto 2024 sa Katowice, Poland.
Sino ang mga maaaring lumagda?
Ang mga scholarship ba ay para lamang doon sa mga unang nakalahok sa Wikimania?
Aming ipagpapauna ang applications na mula sa mga pinakamahusay na makakatupad ng karanasang Wikimania. Isasa-alang-alang namin kung paanong ang scholarship ay magpapabuti sa pag-aambag ng applicant sa "mission", pagkatapos ng Wikimania.
Hindi ako kasapi ng isang affiliate. Paano ako maaring mag-apply ng funding?
Sinuman ay maaring lumagda nang sarili niya anuman ang kanyang kalagayan sa isang affiliate.
Ako ay isang kasaping tauhan ng Wikimedia Foundation. Maaari ba akong lumagda?
- Hindi bilang tauhan. And Core Organizing Team ay hindi nagbibigay ng mga scholarship sa mga kawani ng Wikimedia Foundation. Ang pagdalo ng Wikimedia Foundation staff, Wikimedia Movement Committee at Wikimedia Foundation Trustee ay sakop ng Wikimedia Foundation.
- Kung ang isang bayaran na tauhan ay magpasya na lumagda para sa isang scholarship, inaasahan namin na malinaw niyang itatakda ang kung aling mga matagumpay na pag-uugnay bilang kawani ang kanyang nagawa, at kung alin ang kanyang mga nagawa sa loob ng panahong pagkukusang-loob. Mangyaring magbigay ng paliwanag kung saan kinakailangan.
Ako ay isang kasapi ng Scholarships Working Group. Maaari ba akong lumagda?
Tumpak. Ang mga Volunteer scholarship reviewer ay maaring lumagda sa scholarship. Upang maiwasan ang conflict of interest, ang kanilang mga application ay pag-aaralan ng mga kasapi ng Core Organizing Team (COT) gayundin ang mga nakaraang na kasapi ng COT at mga nakalipas na Wikimania scholarship reviewers.
Kung ako'y hindi makadadalo sa gagampanan ng Wikimania, paano ako makakasali?
Magkakaroon ng pagpipilian na maaaring sumali nang virtual, sapagkat ito'y may mga butil nang pagiging hybrid event.
Ikaw ay maaring pumasya na magpulong ng isang "watch party", o isang kaganapang lokal na may kahalong paglahok sa palatuntunan ng Wikimania. Dapwat, sa taon na ito, hindi kami makapagbibigay ng pondo para sa mga kaganapang Wikimania ng mga affiliate mula sa Wikimania Grants Fund. Ang pagpondo para sa mga pagpupulong ay maaring mahiling mula sa karaniwang grant process.
Ano ang hangganan ng pagpondo?
Ang bilang ng dolyar at halaga ay hindi pahihindian. May magkatimbang na pagpili sa lawak ng mga rehiyon.
Ano ang pamamaraan?
Kailan magbubukas at magtatapos ang Wikimania 2024 scholarship application?
Done Ang yugto ng mga paglalagda ay magbukas sa ika-15 ng Nobyembre at nagtatapos sa ika-18 ng Disyembre, 2023. Ito ay hating-gabi sa Pacific Howland and Baker Islands, at 12:00 UTC sa susunod na araw. Tignan kung anong oras ito ay isinasalat para sa iyong time zone.
Maari pa ba akong magbigay ng application ng scholarship pagkatapos ng deadline?
Hindi. Ito ay upang matiyak na ang pinagpasyahan ay mailalabas sa oras at upang maging makatarungan sa lahat ng mga applicants. Ipinapayo namin sa lahat na mag-submit ng kanilang mga application nang hindi lalampas ng ilang araw bago ang deadline upang hindi ito mapag-iwanan.
Ano ang pamamaraan para sa isang scholarship sa Wikimania?
Sa pangkalahatan, inaasahan namin na ang workflow para sa mga pagpasya sa pagpopondo ay dadaan sa mga hakbang na ito:
- Ang application forms ng mga Individuals ay via LimeSurvey
- Ang Scholarships Working Group sa pagiging karapat-dapat (phase 1 na pinaliwanag sa itaas)
- Ang Scholarships Working Group ay ang sumisinop sa mga application at nagpapasya (phase 2 na pinaliwanag sa taas)
- Ang mga napili na Individuals ay babalitaan at hihingan ng kanilang mga kinakailangan upang makapag-ulat ang Wikimedia Foundation ng pagsasakyan at matitirahan.
- Ang Wikimedia Foundation ay nag-uulat at nagpapatunay ng pagsasakyan at matitirahan.
Ano ang mangyayari pagkatapos ng yugtong application submissions?
Kailan pag-aaralan ang mga submissions?
Ang mga submissions ay pag-aaralan ng Scholarships Working Group ng tuloy-tuloy.
Paano gagawin ang pag-aaral ng mga scholarship at paano ang pagbibigay?
Hinihikayat ka namin na magbigay ng wastong sagot at mag-link sa LimeSurvey. Kapag matagumpay na natapos ang lahat ng mga survey at samakatuwid naipon ang lahat ng data, ang Scholarships Working Group ay magkasamang magpapasya kung sino-sino ang magiging mga scholar.
Kailan ko matatanggap ang tugon tungkol sa aking scholarship application?
Magsisimulang ilabas ang mga alok sa ikalawang linggo ng Pebrero. Ang lahat ay babalitaan tungkol sa kanilang mga application sa lalong pinaka maagang panahon. Maaaring tumagal ito ng dalawang linggo dahil maaaring hadlangan sila ng ilang tao dahil sa ilang mga pangyayari. Ang ibang mga aplikante ay maaring magpatunay sa kanilang mga kaakibat kung pipiliin ang pamamaraang iyon.
Paano babalitaan ang mga applicant tungkol sa resulta ng scholarship?
Gagamitin namin ang e-mail address na nilagda sa application upang mabalitaan ang mga applicant. Lahat ng mga applicant ay maaabot sa anumang yugto, anuman ang kinalabasan. Ipinapayo namin na gamitin ang iyong kadalasang email address o ibigay ang ginagamit na username account sa application form.
Natanggap ko / hindi natanggap ang scholarship, at...
Ano ang mga kinakailangan sa pag-uulat?
Sa halip na mag-ulat, hinihiling namin sa mga scholar na tumulong sa pamamagitan ng pag-volunteer sa kaganapan. Maghahanap kami nang kasama mo ng isang tungkulin na tumutugma sa iyong mga pangangailangan, kasanayan at karanasan. Ngunit maaari ka din mag-ulat!
Maari ko bang ilipat ang aking scholarship sa iba?
Hindi. Upang makapag-ubaya ng pagkakapantay-pantay, ang scholarship ay pinag-aralan batay sa mga magkakasunud-sunod na katangian. Kung ang pagbibigyan ng scholarship ay tiyak na tumanggi, ibibigay namin ito sa susunod na taong nakahanay sa pagsusuri.
Kung tanggihan ko ang scholarship sa taon na ito, maaari ko bang ilipat ito sa Wikimania ng kasunod na taon?
Hindi. Ang Wikimania bawat ay tinatalaga sa taon sa ilalim ng iba't-ibang mga tema, sa ilalim ng pagsa-alang-alang ng bawat COT ng ilang mga rehiyon. Hihikayatin ka namin na lumagda muli sa susunod na taon, ngunit titiyakin namin na aming isasa-alang sa "review process" ang iyong patuloy na mahalagang pag-aambag.
Kung hindi ako nakatanggap ng isang scholarship, maaari ba akong humingi sa Scholarship Group ng muling pagsuri sa aking application?
Hindi. Ang aming pamamaraan ng pagsuri ay sumasailalim sa ilang mga masusing hakbang; at may kalungkutan man, ito ay isang ulit lamang na magagampanan.
Ako ay lumagda para sa isang scholarship ngunit hindi ito natanggap. Ano ang gagawin ko ngayon?
Ang pagtanggap ng scholarship ay hindi kinakailangan upang makadalo sa Wikimania; ikaw ay maari din na mag-register hangga't makakaya mong sagutin ang pangsariling mong babayaran.
Kung hindi mo masasagot ang iyong pangsariling babayaran, hinihikayat namin na makipag-abot sa isang kaakibot sa iyong rehiyon. Maaring magkaroon sila ng sariling palatuntunan ng scholarship o maaring mag-tataguyod sila ng isang lokal na kaganapan!
Contact / Help / Mayroon akong mga katanungan na hindi nasagot dito
- Tignan ang Open calls "A road to Wikimania 2024".
- Maari ka din sumulat ng email message sa
wikimania wikimedia.org
. - Ang aming tulong ay sasaklaw sa:
- Paglilinaw ng mga tanong ukol sa mga submissions
- Ang mga Dapat at Hindi Dapat gawin sa application submissions
- Ang mga issue sa panahong nilalagdaan ang application submission
- Mga susunod na hakbang pagkatapos ng mga submission
- Paano kung hindi ako mapondohan?
- King maari, kami'y humihiling na huwag kaming padalahan ng mga tanong sa social media – kami ay gumagamit ng mga profile sa Facebook, Twitter, atbp. upang maging maalam, ngunit hindi namin tinitignan ng tuwina ang mga inbox doon.
Mga kaugnay na pagpondo para sa mga kaganapan
(Noong nakaraang taon, ito ay tinawag na mga Satellite events)
Maaaring gamitin ng mga Wikimedia affiliate ang mga pondo mula sa Wikimedia Foundation General Support Fund (GSF) upang makapag-lunsad sila ng isang kaganapan na may kaugnayan sa Wikimania, kahit na ang gayong kaganapan ay hindi naisama sa panukala nilang GSF. Ang mga grantee ng GSF ay may kakayahang maglipat ng pondo sa kanilang budget ayon sa kanilang pangangailangan; at ayon sa kasunduan ng General Support Fund, ang hiling lamang ng Foundation ay ipaalam sa mga Kinauukulan (Program Officers) kung ang pagkakaiba nito ay higit pa sa 20% mula sa original proposal.
Kami ay umuudyok sa lahat ng affiliate na nais mag-host ng mga kaganapang Wikimania na isulat ang mga nilalaman nito sa Related affiliate events subpage, upang ang mga affiliate ay makapag-ugnayan sa isa't-isa, makapag-pabuti ng samahan ng mga Wikimedians at mailathala ng mga kaganapang ito nang malawakan.
- Ang mga kaakibat (Affiliates) na may nais mag-livestream sa Wikimania ay dapat makipag-ugnayan sa Programming Subcommittee ng Core Organizing Team sa wikimania wikimedia.org sa sandaling makuha nila ang mga samot-sari ng kanilang mga kaganapan;
- Ang Core Organizing Team ay magbibigay ng technical support sa mga pangkat na nais mag-livestream sa Wikimania.
- Mangyari na gamitin ang talk page upang tumalakay ng mga mungkahi.