2024:Mga Scholarship

This page is a translated version of the page 2025:Scholarships and the translation is 99% complete.
Outdated translations are marked like this.

06th – 09th August 2025, Nairobi and Online
Wikimania@20: Inclusivity . Impact . Sustainability

Under review

Mga scholarship ng Wikimania 2025

Bukas na ang Wikimania 2025 Scholarships Application. Mag-apply na!

Para sa mga katanungan o paliwanag, mangyaring huwag mag-atubiling ipadala sila sa wikimania-scholarships(at)wikimedia.org

Ano ang Wikimania Travel Scholarship?

Ang scholarship ay isang gawad na ibinibigay sa isang indibidwal upang sila ay makadalo sa Wikimania 2025 nang personal. Ang mga tatanggap ng scholarship ay pinipili ng Scholarships Committee ng Wikimania 2025 Core Organizing Team, at ang mga pondo ay ibinibigay ng Wikimedia Foundation.

Saklaw ng scholarship ang mga flight, accommodation, pagpaparehistro, ang mga per diem at kakainin sa panahong kaganapan ng kumperensya at ang bago noon, upang masakop ang mga incidental, pati na rin ang limited medical insurance.

Ang form para makapag-apply para sa Wikimania Travel Scholarship sa Wikimania 2025 ay magbubukas hanggang ika-8 ng Disyembre, 2024.

Sino ang maaaring mag-apply

Sino ang maaaring mag-apply?

Tulad ng nakaraan, sinuman ang makapagpapatunay ng kontribusyon sa o mga aktibidad sa Wikimedia ay malugod na tinatanggap. Ang mga halimbawa ay ang mga sumusunod:

  • Aktibong pakikipag-ugnayan (maliban sa pagiging miyembro lamang at pagtupad ng mga tungkulin ng kasapi) sa ilang anyo ng grupo o organisasyon ng Wikimedia (committee, hub, chapter, thematic organization or user group)
  • Pakikilahok sa mga organisadong kaganapan ng Wikimedia (halimbawa ay mga photographer na nag-aambag sa Wiki Loves Monuments, mga dumalo ng workshop)
  • Pakikilahok sa isang programa ng Wikimedia (halimbawa ay GLAM partnership o programa sa edukasyon)
  • Pag-organisa ng mga kaganapan o paligsahan ng Wikimedia (halimbawa ay ang Wiki Loves Monuments, edit-a-thons)
  • Ang pagiging tagapangasiwa, CheckUser, kasapi ng VRT, interface admin, admin, o iba pang advanced na may hawak ng mga karapatan (kasalukuyan o dati)
  • Ang pagiging grantee ng Wikimedia Foundation
  • Mga naambag na mediaWiki code, gadget o anumang tool-building para sa mga Wikimedia project

Ito ay mga halimbawa lamang, bagaman. Pumunta sa seksyong Detalyadong payo , basahin ang mga rekomendasyon sa talahanayan, at isipin kung paano mo sasagutin ang mga tanong sa iyong paraan.

Kung mayroon kang mga tanong, pumunta sa seksyong "Sino ang maaaring mag-apply" sa Mga Pangunahing Sinasagot na Tanong. Kung mayroon kang karagdagang mga katanungan, pumunta sa Kontak / Tulong / Mayroon akong mga tanong na hindi nasasagot sa pahinang ito.

Ano ang process para sa isang scholarship sa Wikimania?

Sa pangkalahatan, inaasahan namin na ang daloy ng gawain para sa mga kapasyahan ukol sa sa pagpopondo ay dadaan sa mga sumusunod na mga hakbang:

  1. Ang mga indibidwal ay mag-susumite ng application forms sa pamamagitan ng LimeSurvey
  2. Ang mga indibidwal ay tatanggap ng kumpirmasyon sa email mula sa LimeSurvey
  3. Ang Scholarships working group ang sumusuri ng mga applications at gumagawa ng mga desisyon
  4. Sinusuri ng Scholarships working group ang mga aplikasyon at ang gumagawa ng mga desisyon
  5. Ang mga indibidwal ay papaalamin ng desisyon at hihingan ng impormasyon upang makapag-book ang Wikimedia Foundation ng transportasyon at tirahan
  6. Ang Wikimedia Foundation ay ang nagbu-book at nagkukumpirma ng transportasyon at tirahan.


Mga payo sa pagpupuno ng application form

Buksan ang mga tawag sa "Road to Wikimania Nairobi"

Ang Core Organizing Team ay nag-host ng mga open calls para sa lahat ng mga interesado na mag-apply ng scholarship sa Wikimania. Ang mga tawag na ito ay ginanap sa iba't-ibang mga timezone upang matuonan ang mga volunteers sa buong mundo. Mangyaring maghanap ng mga naka-record na bersyon sa ibaba.

Mga masusing payo

  • Ang pagpuno ng application form ay tumatagal ng mga 45-60 minuto. Hindi mo maaaring i-edit ang application pagkatapos isumite. Maaari mo lamang itong i-edit bago isumite kung hindi mo nai-clear ang iyong cookies. Mag-draft nang mabuti at tiyaking isusulat mo ang lahat ng kailangan mong isulat. Huwag mag-apply nang dalawang beses.
  • Maaari kang mag-submit ng iyong application sa anumang wikang gagamitin sa Wikimania 2025 tulad ng Arabo, Pranses, Inggles, Espanyol o Swahili. Kung maaari, isumite sa wikang Ingles. Dahil ito lamang ang wika na ginagamit ng lahat ng mga miyembro ng Scholarship working group. Isaalang-alang din na kakailanganin mo ng isang gumaganang antas ng Inggles para sa paglalakbay at pagboluntaryo sa kaganapan.
  • Hinihiling namin ang isang matapat na paglalarawan ng mga individual contributions sa mga pagsisikap ng grupo. Hindi kami tumatanggap ng mga tagumpay na hindi mapapatunayan o hindi makatotohanang inaangkin bilang indibidwal lamang kung sa katunayan nito ay mga pagsisikap ng grupo. Magdagdag ng link sa Diff, isang pahina ng wiki o kahit isang post sa social media na magbibigay-daan sa amin na suriin kung ginawa mo ang sinasabi mong sa iyo.
Mga katanungan at ang inirerekomendang diskarte ng pagtugon sa mga ito
Mga katanungan Pahiwatig
Mga detalye ng paglalakbay at contact details Sa seksyong ito mangyaring maging tumpak sa iyong mga sagot. Hihilingin lamang ang mga karagdagang katanungan tungkol sa impormasyon sa loob ng iyong pasaporte atbp. kung matagumpay kang matatanggap.
Mga demograpiko na estadistika Hinihiling namin ang impormasyong ito para sa mga layuning istatistika, upang matiyak na ang pagkakaiba-iba ng mga aplikasyon ay makikita sa mga scholarship awards. Ang pagsagot sa mga tanong na ito ay ganap na optional. Ang data na ito ay iuulat lamang bilang aggregate.
Mga katanungan sa pagsusuri Ang mga sumusunod na katanungan ay ang mga pangunahing tanong na kung saan tatasahin ang iyong application.

Sabik kaming mabasa ng mabubuting mga naisasaisip nang may mga binabatayang link.

Kung ikaw ay nilapitan at tinanong, Ano ang Wikimedia?, ano ang iyong magiging kasagutan? Kung ikaw ay isang baguhan sa Wikimedia Movement, ano ang naging inspirasyon mo upang sumali sa ating pamayanan? Nais naming maunawaan kung paano mo ipinaliliwanag ang iyong kaugnayan sa Wikimedia sa mga taong nasa loob ng kilusan, at sa mga taong maaaring kulang ang kaalaman tungkol sa kilusan o sa ating pamayanan. Ano ang epekto ng iyong mga kontribusyon? Paano ka nakipagtulungan sa iyong komunidad upang maisulong ang ating misyon ukol sa libreng kaalaman? Sa mga bagong dating na maaaring kaunti pa ang kanilang naibabahagi sa ngayon, nais naming maunawaan kung paano ka nakarating dito at kung ano ang hinahangad mong makuha at maiambag sa ating kilusan. Inirerekomenda ang isang talata (paragraph) lamang. Mangyaring suportahan kung maari ang anomang mga sarili mong nagawa gamit ang mga link.
Ang tema ng Wikimania 2025 ay "Wikimania@20: Inclusivity. Impact. Sustainability". Ano ang ibig sabihin nito sa iyo? Kami ay naghahanap ng isang malikhain at mahusay na sagot sa kung paano;: ang tema bang ito ay sumasalamin sa iyong mga inaambag sa Wikimedia? Paano nakatulong ang iyong mga gawain sa pag-usod ng malawak at bukas na Knowledge ecosystem? At sa iyong sariling salita, ano ang ilang mga bagay na maaari nating gawin upang mapahusay ang pagpapanatili ng ating kilusan? Inirerekomenda ang isang sagot sa talata. Mangyaring suportahan ang anumang mga sangguni ukol sa iyong mga sariling nagawa gamit ang mga link kung maari.
Sabihin sa amin ang tungkol sa iyong kamakailang involvement sa iyong home wiki o sa mas malawak na kilusan ng Wikimedia. Ano ang iyong binuo o nag-aambag upang mapabuti ang iyong wiki o komunidad? Nakapag-uumpisa ka ba o nag-organisa ng alinman sa mga aktibidad na ito? Anong gawain ang pinaka-mahalaga sa iyo, anuman ang resulta? Mangyaring sabihin kung aling mga aktibidad ang naganap sa huling 12 buwan. Para sa tanong na ito, higit sa lahat ay sinusuri namin ang huling 12 buwan ng involvement at mga aktibidad, kaya't mangyaring maging intentional upang ipahayag ang mga ito. Kung kinakailangan, maaari mo ring ipakilala ang mga aktibidad na tumatagal ng mas mahabang panahon na may kasaysayan at nakikibahagi sa mga ito. Inirerekomenda ang sagot sa dalawang hanggang tatlong parapo. Mangyaring suportahan ang anumang mga sanggunian sa iyong sariling trabaho na may mga link kung maaari.
Paano mo karaniwang ibinabahagi ang iyong mga karanasan (o mga bagay na iyong natutunan) sa iyong pamayanan? Paano mo ibabahagi ang iyong natutunan mula sa Wikimania 2025? Ang mga halimbawa ng on-wiki na summaries, reports, blog posts, meetup talks, atbp. ay malugod na tinatanggap dito. Mangyaring maglakip ng mga link sa mga halimbawa. Sa sagot, pinahahalagahan namin ang isang kongkreto at napapatunayan na plano ng pagbabahagi ng Wikimania experience pagkatapos ng Wikimania 2025. Isang listahan ng mga bullet point na may ilang paliwanag/konteksto ay minamabuting format para sa tugon na ito.
Ikaw ba ay isang functionary sa mga proyekto ng Wikimedia? Halimbawa, mayroon ka bang extended user rights katulad ng admin, steward, check user, o nagsasagawa ng mga lingkurin sa kalikuran upang matiyak ang kaligtasan, maayos na paglalaganap at pagpa-panatiling-buhay ng mga proyekto ng Wikimedia, tulad ng pag-patrol, o mga pag-uusapan? Kung gayon, maaring ipaliwanag mo. Sa taon na ito nais naming maunawaan nang higit pa ang tungkol sa mga aplikante na may mga extended user rights. Mangyaring magbigay ng ilang halimbawa ng iyong mga nagawa, at may pagdaragdag na mga link kung maari.

Mga pamantayan para sa kaagad na pagtanggi

Ang mga application ay mabibigo sa unang bahagi kung alinman sa mga sumusunod na pamantayan ng paglagpak ay mapapataw:

  1. Nakatanggap ng scholarship ang aplikante noong 2024 ngunit hindi natapos ang kanilang mga tungkulin sa Wikimania.
  2. Ang aplikante ay isang kasalukuyan o nakaraang grantee mula sa anumang programa ng WMF Grant at napatunayang hindi sumusunod sa Wikimedia Foundation Scholarship Travel Policy.
  3. Ang aplikante ay kasalukuyang globally banned' ng Wikimedia Foundation o ng pamayanan.
  4. Walang laman ang application.
  5. Ang aplikasyon ay binubuo ng mga nilalaman na hindi tumutukoy sa paksa o nakakasakit.
  6. Ang aplikante ay bigong gumawa ng makatwirang pagsisikap upang sagutin ang mga tanong sa application form.
  7. Ang aplikante ay nabigo na magpakita ng anumang makabuluhang kontribusyon o aktibidad ng Wikimedia na maaaring maging karapat-dapat sa paggawad ng scholarship.

Ang Core Organizing Team (COT) ay nakikipagtulungan sa Wikimedia Foundation at sa ilang pagkakataon, ang mga hub o kaanib ng Wikimedia upang matukoy ang huling listahan ng mga scholar. Inilalaan namin ang karapatang mag-alis ng ilang partikular na tao dahil sa kanilang pag-uugali sa loob o labas ng wiki. Ang mga halimbawa ay ang mga nasa listahan ng pandaigdigan at pagbabawal sa kaganapan, sa ilalim ng mga parusa mula sa Universal Code of Conduct (UCoC), o kung hindi man ay kilala ng COT bilang mga lumalabag sa panuntunan.

Ang mga application na walang failing criteria ay idadaan sa ika-2 yugto para sa karagdagang pagsusuri.

FAQ

Saan magaganap ang Wikimania 2025?

Ang Wikimania 2025 ay magaganap sa Nairobi, Kenya.

Sino ang maaaring mag-apply?

Ang mga scholarship ba ay para lamang ba sa mga unang pagkakataong lalahok sa Wikimania?

Uunahin namin ang mga aplikasyon mula sa mga pinakamahusay na nakakatugon sa pamantayan ng pag-aambag sa karanasan sa Wikimania. Isasaalang-alang namin kung paano mapapahusay ng scholarship ang mga kontribusyon ng mga aplikante sa misyon pagkatapos ng Wikimania.

Hindi ako bahagi ng isang affiliate. Paano ako mag-a-apply para sa pagpopondo?

Ang mga indibidwal ay maaaring mag-apply anuman ang kanilang katayuan sa pagiging kasapi ng affiliate.

Isa akong kawani ng Wikimedia Foundation. Maari ba akong mag-apply?

  • Hindi bilang kawani. Ang Core Organizing Team ay hindi nagbibigay ng mga scholarship sa mga kawani ng Wikimedia Foundation. Ang pagdalo ng mga kawani ng Wikimedia Foundation, mga Wikimedia movement Committees at mga Wikimedia Foundation Trustees ay saklaw ng pondo ng Wikimedia Foundation.
  • Kung ang isang bayaran na tauhan ay magpasya na lumagda para sa isang scholarship, inaasahan namin na malinaw niyang itatakda ang kung aling mga matagumpay na pag-uugnay bilang kawani ang kanyang nagawa, at kung alin ang kanyang mga nagawa sa loob ng panahong pagkukusang-loob. Mangyaring magbigay ng paliwanag kung saan kinakailangan.

Ako ay isang kasapi ng Scholarships Working Group. Maaari ba akong lumagda?

Oo. Ang mga Volunteer scholarship reviewers ay karapat-dapat para sa isang scholarship. Upang maiwasan ang salungat na balak (conflict of interest), ang kanilang mga application ay susuriin ng isang koponan na binubuo ng mga miyembro ng Core Organizing Team at mga nakaraan na Wikimania scholarship reviewer.

Kung hindi ako makakadalo sa Wikimania nang personal, paano ako makakasali?

Magkakaroon ng pagpipilian na maaaring sumali nang virtual, sapagkat ito'y may mga bahaging hybrid event.

Ikaw ay maaring pumasya na magpulong ng isang "watch party", o isang kaganapang lokal na may kahalong paglahok sa palatuntunan ng Wikimania. Dapwat, sa taon na ito, hindi kami makapagbibigay ng pondo para sa mga kaganapang Wikimania ng mga affiliate mula sa Wikimania Grants Fund. Ang pagpondo para sa mga pagpupulong ay maaring mahiling mula sa karaniwang grant process.

Ano ang hangganan ng pagpondo?

Walang halaga o halaga sa dolyar. Magkakaroon ng isang timbang na proseso ng pagpili sa lahat ng rehiyon.

Ano ang pamamaraan?

Kailan magbubukas at magtatapos ang Wikimania 2025 scholarship application?

Ang yugto ng mga aplikasyon ay magsisisimula sa ika-7 ng Nobyembre at magtatapos sa ika-8 ng Disyembre, 2024.

Maaari ba akong magsumite ng application para sa isang scholarship pagkatapos ng takdang araw?

Hindi. Ito ay upang matiyak na ang mga resulta ng panghuling desisyon ay ilalabas sa oras at sa pagiging patas sa lahat ng mga aplikante. Inirerekumenda namin na magsumite ng mga application ng hindi kulang sa ilang araw bago ang deadline upang maiwasang mawala ito.

Maaari ko bang isumite ang aking application sa isang wika maliban sa Inggles?

  1. Oo. Ang mga miyembro ng Scholarship working group ay susubukan ang kanilang makakaya upang suriin ang application.
  2. Hangga't maaari, mas panig kami sa Inggles. Ito ang tanging wikang sinasalita ng lahat ng kasapi ng Scholarship working group.
  3. Kakailanganin mo ang isang gumaganang antas ng Inggles para sa paglalakbay at pagboboluntaryo sa Wikimania.

Maaari ko bang i-edit ang aking application pagkatapos kong isumite ito?

Hindi. Maingat na i-draft ang iyong application at tiyaking isusulat mo ang lahat ng kailangan mong isulat bago isumite. Mangyaring huwag magsumite ng application nang dalawang ulit; lumilikha ito ng maraming karagdagang gawain para sa mga tagasuri.

Kailan susuriin ang mga submissions para sa scholarship ng Wikimania?

Ang mga pagsusumite ay susuriin ng Scholarships working group sa isang patuloy na batayan.

Paano gagawin ang pagsuri sa mga scholarship at paano ito igagawad?

Hinihikayat ka naming magbigay ng angkop na sagot at mag-link nang naaayon sa LimeSurvey. Kapag ang lahat ng mga survey ay matagumpay na natapos at samakatuwid ang lahat ng data ay nalikom, ang Scholarship working group ay magkakasamang tutukuyin kung sinong mga tao ang magiging mga scholar.

Kailan ko matatanggap ang tugon tungkol sa aking scholarship application?

Magsisimulang lumabas ang mga alok sa unang bahagi ng Marso. Ang lahat ng mga aplikante ay aabisuhan ng kanilang resulta sa lalong madaling panahon. Maaaring tumagal ito ng ilang linggo dahil maaaring hadlangan sila ng mga kalagayan ng ilang tao sa pagtanggap. ililipat ang ibang mga aplikante sa kanilang mga affiliate kung pipiliin nila ang option na iyon.

Paano babalitaan ang mga applicant tungkol sa resulta ng scholarship?

Gagamitin namin ang e-mail address na ibinigay sa application upang maipaalam sa mga aplikante. Ang lahat ng mga aplikante ay mahahatiran ng kanilang kalagayan, anuman ang kalalabasan. Hinihikayat ka namin na sumangguni sa iyong aktibong email address o ibigay ang iyong ginagamit na username account sa application form.

Saan ako makakahanap ng suporta/tulong sa panahon ng Wikimania application process??

Ang Core Organizing Team ay mag-organisa ng mga pulong para sa iba't-ibang rehiyon at sasagutin ang mga katanungan na darating sa wikimania-scholarships wikimedia.org at Wikimania Telegram Channel. Sa pangkalahatan, saklaw ng suportang ito ang:

  1. Paglilinaw ng mga tanong tungkol sa mga submissions
  2. Ang Mga Dapat at mga Hindi Dapat gawin sa pagsusumite ng aplikasyon
  3. Ang mga isyu sa panahon ng pagsusumite ng application
  4. Mga susunod na hakbang pagkatapos ng mga pagsusumite
  5. Paano kung hindi ako mapondohan

Mga tanong sa pagiging kwalipikado

Ang mga scholarship ba ay para lamang sa mga unang beses na lalahok sa Wikimania?

Uunahin namin ang mga application mula sa mga may pinakamahusay na nakakatugon sa pamantayan ng pag-aambag sa karanasan ng Wikimania. Isasaalang-alang namin kung paano mapapahusay ng scholarship ang mga naambag ng mga aplikante sa misyon pagkatapos ng kaganapan.

Hindi ako kasapi ng isang affiliate. Paano ako maaring mag-apply para sa pagpopondo?

Ang mga indibidwal ay maaaring mag-apply anuman ang kanilang katayuan sa pagiging kasapi ng affiliate.

Kung hindi ako makakadalo sa Wikimania nang personal, paano ako makakasali?

Magkakaroon ng option na makasali nang virtual dahil magkakaroon ng mga sangkap ito ng pagiging hybrid event. Ikaw ay maaring pumasya na magpulong ng isang "watch party", o isang kaganapang lokal na may kahalong paglahok sa palatuntunan ng Wikimania. Dapwat dito, sa taon na ito, hindi kami makapag-popondo sa mga kaganapan ng mga kaakibat na kaugnay sa Wikimania, mula sa Wikimania grants fund; ngunit maaaring hilingin ang pagpopondo ng pagpupulong na ito sa pamamagitan ng regular na grant process.

Ano ang hangganan ng pagpondo?

Ang bilang ng dolyar at halaga ay hindi pahihindian. May magkatimbang na pagpili sa lawak ng mga rehiyon.

Natanggap ko o hindi natanggap ang scholarship, at...

Ano ang mga kinakailangan sa pag-uulat?

Sa halip na mag-ulat, hinihiling namin sa mga scholar na magbigay-suporta sa pamamagitan ng pag-volunteer sa kaganapan nang 4-6 na oras. Makikipagtulungan kami sa iyo sa paghahanap ng tungkulin na nababagay sa iyong mga pangangailangan, kasanayan at karanasan. Maaari kang magsulat ng isang ulat o bagamang isang Diff post, kung ito ay iyong ninanais.

Maari ko bang ilipat ang aking scholarship sa iba?

Hindi. Upang magbigay ng pagkakapantay-pantay, ang scholarship ay sinuri sa isang tiyak na pagkakasunud-sunod ng mga katangian. Kung ang pagbibigyan ng scholarship ay tiyak na tumanggi, ibibigay namin ito sa susunod na taong nakahanay sa pagsusuri.

Kung tanggihan ko ang scholarship sa taon na ito, maaari ko bang ilipat ito sa Wikimania ng kasunod na taon?

Hindi. Bawat taon ang Wikimania ay itinakda sa ilalim ng iba't-ibang mga tema sa ilalim ng bawat COT sa ilang mga rehiyon. Hinihikayat ka naming mag-apply muli para sa susunod na taon, ngunit titiyakin naming isasaalang-alang ang iyong patuloy na mahalagang kontribusyon sa aming proseso ng pagsusuri.

Kung hindi ako nakatanggap ng isang scholarship, maaari ba akong humiling sa scholarship group na muling suriin sa aking application?

Hindi. Ang review process ay nasasangkutan ng ilang mga maselang hakbang, at sa kasamaang palad, maaari lamang itong masagawa nang isang pagkakataon lamang.

Ako ay lumagda para sa isang scholarship ngunit hindi ito natanggap. Ano ang gagawin ko ngayon?

Ang pagtanggap ng scholarship ay hindi kinakailangan upang makadalo sa Wikimania; ikaw ay maari din na mag-register hangga't makakaya mong sagutin ang pangsarili mong tustos.

Kung hindi mo makayang sagutin ang iyong sariling mga gastos, lubos ka naming hinihikayat na makipag-ugnayan sa isang kaakibat (affiliate) sa iyong rehiyon. Maaaring nagpapatakbo sila ng sarili nilang scholarship program o nagho-host ng lokal na kaganapan!

Saan ako dapat makipag-ugnayan para sa karagdagang kaalaman?

Maaari mong ipadala ang iyong mga tanong sa wikimania-scholarships wikimedia.org

Mga kaugnay na pagpondo para sa mga kaganapan

(Noong mga nakaraang taon, ito ay tinawag na mga Satellite events)

Ang mga affiliate ng Wikimedia ay maaaring gumamit ng mga pondong nakuha na sa pamamagitan ng General Support Fund (GSF) upang magpatakbo ng isang kaganapang nauugnay sa Wikimania sa lokal, kahit na ang naturang kaganapan ay hindi unang naisama sa kanilang panukala sa GSF. Ang mga ginawaran ng GSF ay may kakayahang ilipat ang mga pondo sa kanilang budget kung kinakailangan at, ayon sa kasunduan sa General Support Fund, hinihiling lamang ng Foundation na ipaalam sa Program Officers kung ang pagkakaiba ay higit sa 20% mula sa orihinal na panukala.

Hinihikayat namin ang lahat ng mga kaakibat na interesado sa pagho-host ng isang kaganapang nauugnay sa Wikimania na ilista ang kanilang mga detalye ng kaganapan saRelated affiliate events subpage, upang ang mga kaanib ay maaaring makapag-coordinate sa pagitan nila, na makapaghikayat ng pakikipagtulungan at pakikipag-bisig sa mga Wikimedian, at upang lalong maisulong ang kanilang mga kaganapan.

  • Ang mga affiliate na may nais mag-livestream sa Wikimania ay dapat makipag-ugnayan sa programme working group sa wikimania wikimedia.org sa sandaling matanggap nila ang mga samot-sari ng kanilang mga kaganapan;
  • Ang Core Organizing Team ay magbibigay ng teknikal na suporta para sa mga pangkat na nais na mag-live stream sa Wikimania.
  • Mangyari na gamitin ang talk page upang tumalakay ng mga mungkahi.

Marami pa akong tanong at wala ang mga iyon sa FAQ na ito

Maaari kang makipag-ugnayan sa komite nang anumang oras sa wikimania-scholarships wikimedia.org. Magho-host kami ng mga open calls para sa lahat ng interesado sa Wikimania at magtanong tungkol sa: Programming, Grants, Logistics, Celebrations, at kung paano makisali sa Wikimania. Maibibigay ito sa madaling panahon.

Mga sanggunian