This page is a translated version of the page 2023:Scholarships and the translation is 76% complete.
Outdated translations are marked like this.




Ang pahinang ito ang tumutukoy sa proseso ng iskolarship ng Wikimedia Foundation. Ang ilang chapters at organisasyon ay nagaalok din ng iskolarship.

Ang Wikimania 2023 ay muling iisipin ang paraan kung saan maraming mga aktibidad ang magiging magagamit, ang proseso ng scholarship ay bahagi ng pamamaraan na iyon. Para sa 2023 ang Core Organizing team ay mag-aalok ng iba't ibang uri ng scholarship;

  1. Paglalakbay sa Singapore: parehong buo at bahagyang iskolarship. Gaya ng nangyari bago ang 2020 magkakaroon ng ilang limitasyon at kundisyon;
    1. Ang buong iskolarship ay magbibigay ng paglalakbay, tirahan, at pagpaparehistro.
    2. Ang bahagyang iskolarship ay magbibigay ng tirahan, at pagpaparehistro.
  2. Mga Kaganapang Panlabas: Ang mga kaakibat o grupo ng proyekto ay nag-a-apply sa pamamagitan ng proseso ng pagbibigay ng WMF para sa pagpopondo, maaaring suportahan ng COT ang mga teknikal na pangangailangan para sa mga live na link sa Wikimania.

Ang lahat ng buo at bahagyang iskolar ay magkakaroon ng opsyon na gumawa ng mga gawaing boluntaryo sa panahon ng Wikimania, dahil ang mga boluntaryong iskolar ay sasakupin din ng patakaran ng WMF Travel Insurance. Ang mga boluntaryo ay maaaring magsama ng 2 oras sa isang Expo table, room angel (etherpad notes, magbahagi ng mga online na tanong sa mga speaker), o mag-upload ng mga session ng video sa Commons. Ang pagboluntaryo sa loob ng 2 o higit pang mga oras ay ituturing ding sapat upang hindi mangailangan ng nakasulat na ulat, at sasailalim sa pagpapatunay ng koponan ng Scholarship sa panahon ng Wikimania.

Mga mahahalagang araw

Ang naasahang timeline ng Programa ng Iskolarship ng WMF ay ang mga sumusunod:

Mga aplikasyon ng Iskolarship sa Paglalakbay

  •  Done Bubuksan sa: Huwebes, ika-12 Enero 2023.
  •  Done Huling araw para sa pagsumite nga aplikasyon para sa iskolarship: Linggo, ika-5 Pebrero 2023 ng .
  •  Done Unang Bahagi: Pagtatasa ng pagiging karapat-dapat ng WMF Trust & Safety: kalagitnaan ng Pebrero (walang abiso tungkol sa resulta).
  • Ikalawang Bahagi : malalim na pagsusuri ng Kumite ng Iskolarship: Marso
  •  Done Offers are being sent on a rolling basis to successful applicants: April 21 – May
  • Inaabisuhan ang mga aplikante tungkol sa mga huling desisyon: Mayo
  • Ang buong listahan ng mga tatanggap na inilathala sa Wikimania Wiki: Mayo

Para sa karagdagang detalye sa mga kinakailangan sa aplikasyon, pagsusuri, at pag-aplay, tingnan ang: 2023:Iskolarship/Aplikasyon ng Iskolarship sa Paglalakbay

Mga Kaganapan Panlabas

Maaaring mag-iskedyul at mapondohan ang mga kaganapan sa satellite bilang bahagi ng kaakibat na General Support Fund (GSF).

Ang mga Wikimedia Affiliates ay maaaring gumamit ng mga pondong nakuha na sa pamamagitan ng Wikimedia Foundation General Support Fund upang magpatakbo ng isang kaganapang panlabas, kahit na ang isang kaganapang panlabasay hindi paunang kasama sa kanilang GSF proposal. Ang mga grantee ng General Support Fund ay may kakayahang ilipat ang mga pondo sa kanilang badyet kung kinakailangan, at, ayon sa kasunduan sa General Support Fund, hinihiling lamang ng Foundation na ipaalam sa mga Programa Officer kung ang pagkakaiba ay higit sa 20% mula sa orihinal na panukala. Hinihikayat namin ang lahat ng mga kaanib na interesado sa pagho-host ng isang satellite na kaganapan na ilista ang kanilang mga detalye ng kaganapan sa subpage ng kaganapang panlabas, upang ang mga kaanib ay maaaring mag-coordinate sa pagitan nila, na mahikayat ang pakikipagtulungan at koneksyon sa mga Wikimedian at upang mas mahusay isulong ang kanilang mga kaganapan.

  • Ang listahan ng mga kaganapan ay dapat makumpleto sa Hulyo 5;
  • Ang mga kaakibat na gustong mag-livestream sa Wikimania ay dapat makipag-ugnayan sa programming subcommittee ng Core Organizing Team sa wikimania(_AT_)wikimedia.org sa sandaling makuha nila ang mga detalye ng kanilang kaganapan;
  • Ang mga punong abala ay magbibigay ng teknikal na suporta para sa mga grupong gustong mag-livestream sa Wikimania.

Mangyaring gamitin ang pahina ng usapan para sa pagtalakay ng mga ideya.

Katanungan?

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Wikimedia Foundation Scholarships Program, pakibisita ang mga madalas itanong (FAQ) na pahina.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa: wikimania-scholarships@wikimedia.org o mag-iwan ng mensahe sa: 2023 talk:Scholarships.