2020:Mga iskolarship
Wikimania 2020, ang ika-16 na taunang pagpupulong ng mga bumubuo ng kilusan ng Wikimedia ay magaganap sa ika-5 hanggang ika-9 ng Agosto, 2020 sa Bangkok, Thailand. Ang Wikimedia Foundation Scholarships Program ay nag-aalok ng limitadong bilang ng iskolarship para tustusan ang gastos sa paglakbay, pagrehistro para sa pagpupulong at matutuluyan ng mga piling tao gamit ang pondo ng Wikimedia Foundation (WMF).
Ang pahinang ito ang tumutukoy sa proseso ng iskolarship ng Wikimedia Foundation. Ang ilang chapters at organisasyon ay nagaalok din ng iskolarship.
Mga mahahalagang araw
Ang naasahang timeline ng WMF Scholarship Program ay ang mga sumusunod:
- Pagbukas ng iskolarship: Ika-17 ng Pebrero, 2020
- Takdang araw para mag-apply ng iskolarship: Ika-17 ng Marso, 2020 23:59 UTC-12:00 (AoE, alamin ang katumbas na oras sa inyong lugar)
- Unang Bahagi para sa pagsusuri ng WMF: Marso (walang pag-abiso kung ano ang magiging resulta)
Ikalawang bahagi, malalimang pagsusuri ng Scholarship Committee: Abril
- Pag-abiso sa mga apikante ukol sa resulta ng kanilang aplikasyon: Mga unang bahagi ng Mayo
- Ang paglathala ng huling listahan ng mga nakakuha ng iskolarship: Mayo o Hunyo.
Detalye ng Iskolarship
Ngayong taon, ang WMF ay nag-aalok ng dalawang klase ng iskolarship para makadalo sa Wikimania.
- Mga buong iskolarship, na nagsagot sa mga sumusunod na gastusin:
- Paglakbay mula at pabalik ng Bangkok, Thailand
- Panunuluyan (makikibahagi sa ibang iskolar)
- Bayarin para makarehistro sa pagpupulong
- Bahagyang iskolarship, na sasagutin lamang ang mga sumusunod:
- Panunuluyan (makikibahagi sa ibang iskolar)
- Bayarin sa pagrehistro sa pagpupulong
Sa iskolarship na inaalok ng Wikimedia Foundation (sa pikipagtuungan ng mga tsapter), ang pagawad ng kabuoang bilang ng mga iskolarship ng Wikimania ay dumidepende sa kabuoang badyet na nailaan para sa lahat ng iskolarship sa kasalukuyang taon. Pero ang natanyang porsyento ng kabuong badyet ay gagawaran para sa buong iskolarship at ilang natanyang porsyento para sa bahaging iskolaship. Ang huling bilang ng iskolarship ay natutukoy sa Ikatlong bahagi kung saan ang pinal na iskolar ay mapipili. Ayon sa mga nakaraang taon, natatanyang 70 hanggang 90 na buong iskolarship at 20 hanggang 30 bahaging iskolarship ang nagawaran, depende sa pinal na gastusin.
Ang buong iskolarship ay naayon sa quota, habang karaniwan ay walang limitasyon sa nakabaseng lugar or ginagamit na wika sa bahagyang iskolarship; tignan sa babang bahagi ng pahina ang detalye para sa kaalaman ng natanyang bilang ng iskolarship na inalok ng WMF at mga organisasyon ng Wikimedia.
Sa aplikasyon, bawat aplikante ay pipili kung anong klaseng iskolarship ang kanilang nais na kunin. Pero ang aplikante ay may opsyon na piliin ang I am applying for a full scholarship, but would be able to attend if awarded a partial scholarship". Para sa mga aplikante na pumili ng I am applying for a full scholarship, but would be able to attend if awarded a partial scholarship, sila ang kinukunsiderang munang isa ng mga gagawaran ng buong iskolarship, ngunit bibigyan ito ng bahaging iskolarship kung lahat ang buong iskolarship ay naibigay na.
Maaring puntahan muna ang FAQ sa karagdagang kaalaman kung anong gastusin ng iskolarship, at kung anong gastusin ang sasagutin mismo ng nagawaran ng iskolarship.
Iskolarship na inaalok ng mga organisasyon ng Wikimedia
Hindi lamang ang WMF ang nag-aalok ng iskolarship para sa kasalukuyang Wikimania. Ang ibang organisasyon tulad ng mga tsapter at mga thematic organization ay nag-aalok din ng sariling iskolarship. Ililista namin kung makuha namin ang kumpirmasyon ng kanilang programa.
- Wikimedia Italia will offer approximately 5 scholarships.
- …
Proseso ng Pagpili
Para sa maging karapat-dapat na mag-aplay, ang proseso ng pagpili at pamantayan sa pagpili, mangyaring tingnan ang taunang paglalarawan ng Wikimania Scholarship Selection Process at ang Reviewer's guide. Noong 2020, ang kumite sa iskolarship ay magkakaroon ng mas malalim na pagsusuri sa mga aktibidad ng pagkakawang gawa ng mga aplikante.
Katanungan?
Sa ibang kaalaman ukol sa Wikimedia Foundation Scholarships Program, maaring puntahan ang frequently asked questions (FAQ).
Kung meron kang tanong, maaring sumulat sa wikimania-scholarships@wikimedia.org o mag-iwan ng mensahe sa 2020 talk:Scholarships.
Pag-aaplay